Haharapin ni Maris Racal ang pamilya ng kanyang pinsan sa korte matapos niya malamang pinagmamalupitan nila ito sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Agosto 18).
Malapit ang mag-pinsang Maya (Maris) at Tin (Mary Joy Apostol) sa isa’t-isa ngunit magkakahiwalay sila sa paglipat ng pamilya ni Maya sa ibang bansa. Maiiwan si Tin sa pangangalaga ng kanyang ama at ng pangalawang pamilya nito.
Hindi tatratuhin ng maayos si Tin ng pangalawang pamilya ng kaniyang ama at lalala pa ito sa pagpanaw ng tatay niya. Lulustayin ng kanyang madrasta at mga kapatid sa ama ang malaking mana ni Tin mula sa kanyang ina, na namatay sa panganganak.
Dahil hirap sa pag-iisip ni Tin ay hindi niya magagawang lumaban sa pang-aaping ginagawa sa kanya, hanggang sa ikulong siya sa isang kwarto sa kanilang bahay. Malalaman ito ni Maya sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas at sa kanyang awa sa pinsan ay susubuking bawiin ito mula sa puder ng mga mapang-abusong kamag-anak.
Makuha kaya ni Maya si Tin mula sa malulupit na madrasta at mga kapatid? Mabalik kaya kay Tin ang kanyang mana?
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
Huwag palampasin ang “Kakampi,” sa direksyon ni FM Reyes, ngayong Sabado (Agosto 18), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
Maris seeks custody of abused cousin in “Ipaglaban Mo”
Maris Racal will face off with the abusive step-family of her cousin in “Ipaglaban Mo” this Saturday (August 18).
Maya (Maris) and Tin (Mary Joy Apostol) grew up very close to each other but will be separated when Maya’s family migrates to a different country. This will leave Tin alone with her father and his second family.
Tin’s stepmother and half-siblings mistreat her and take advantage of her weak mind. Their abuse will worsen upon the death of her father. While they spend her inheritance from her mother, who died while giving birth to her, Maya is kept locked in a hidden room under poor conditions.
Maya learns of Tin’s situation after coming back to the Philippines. She will sue Tin’s stepfamily in court for custody of her cousin.
Will Maya be able to rescue her cousin from her stepfamily? Will Tin be able to get her inheritance back?
“Ipaglaban Mo,” the longest-running legal drama on Philippine television, offers viewers entertaining and informative episodes about real-life cases, which they may learn from. It also offers free legal advice to the public every week at ABS-CBN’s Tulong Center in Quezon City.
Don’t miss the “Kakampi” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by FM Reyes, this Saturday (August 18) after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.