Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Elisse, gaganap na champion skateboarder sa “MMK”

$
0
0

Ibang Elisse Joson ang mapapanood ngayong Sabado sa kanyang pagganap bilang si Margielyn Didal, ang kauna-unahang babaeng gold medalist sa skateboarding sa Asian Games, ngayong Sabado (Oktubtre 6) sa “MMK.”

Kahihiligan agad ni Margie (Elisse) ang skateboarding matapos niyang mapanood ang isang grupo ng skateboarders sa kanilang lugar sa Cebu at subukan ito. Natural ang talento ni Margie sa skateboarding na agad napansin ng kaibigang si Dani (JV Kapunan) na bilib sa kanyang husay sa laro.

Gustong patunayan ni Margie sa lipunan, at higit sa lahat sa kanyang mga magulang, na hindi lang pang-tambay ang skateboarding. Isa itong lehitimong sport na maaaring ipagmalaki at magdudulot ng magandang kinabukasan. Ngunit nahadlangan ang kanyang pangarap nang siya ay masaktan habang gumagawa ng isang skateboard trick at pagbawalan ng kanyang mga magulang na bumalik dito.

Tunghayan kung paano naibalik ni Margie ang kanyang sigla para sa larong mahal niya at mapatunayan sa kanyang mga magulang at sa lipunan na may halaga ang skateboarding at hindi lamang isang libangan.

Kasama rin sa episode na ito sina Sharmaine Arnaiz, Rommel Padilla, at Jon Lucas. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Giselle Andres at panunulat nina Arah Jell G. Badayos at Akeem Jordan D. del Rosario.

Panoorin ang  longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

 

 

 

Life of Asian Games medalist Margielyn Didal

Elisse plays champion skateboarder on “MMK”

Elisse Joson takes on a new challenge as she portrays champion skateboarder Margielyn Didal, who is the first female skateboarding gold medalist in the Asian Games, on this Saturday’s (October 6) “MMK.”

Margie’s (Elisse) fascination with skateboarding started the first time she saw a group of skateboarders in her town in Cebu. She found that it came naturally to her after the first time she tried it. Her talent is soon noticed by her friend, Dani (JV Kapunan), who believes she is better than other long time skateboarders.

She was driven by a desire to prove to society, and most especially her parents, that skateboarding is not a waste of time. To her, it is a legitimate sport that can bring a good future to her and her family. However, her dreams were dashed when she suffered an injury while doing a skateboarding trick. This led her parents to stop her from returning to the sport that she loves.

Witness how Margie found the courage to go back on a skateboard after her injury and be given the chance to prove to her parents and society the value of skateboarding as a sport.

Also in this episode are Sharmaine Arnaiz, Rommel Padilla, and Jon Lucas. It is under the direction of Giselle Andres and written by Arah Jell G. Badayos and Akeem Jordan D. del Rosario.

Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday on ABS-CBN. For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images