Mas malaking hamon ang haharapin ni Cardo (Coco Martin) dahil ang laban para sa puso at pag-ibig na ng asawa niyang si Alyana (Yassi Pressman) ang pilit niyang ipapanalo sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Muli na ngang nakita ni Cardo si Alyana, ngunit hindi ito ang inaasahan niyang tagpo dahil natunghayan niya mismo ang pag-oo nito sa alok ni Marco (JC Santos) na kasal.
Pero hindi basta-basta susuko si Cardo dahil ipaglalaban niya si Alyana mula kay Marco at muling susubukang sungkitin ang puso ng asawa. Gumawa na si Cardo ng unang hakbang nang dalhin niya ang asawa sa isang malayong komunidad upang subukang mamuhay nang magkasama gaya ng kung paano sila namuhay bago pa ang lahat ng kaguluhan.
Sa kabila naman nito, hindi ito magiging sapat na rason para lumambot ang puso ni Alyana at pilit na lalayo upang ituloy ang buhay niya nang wala si Cardo.
May pag-asa pa nga ba ang pagmamahalan nina Cardo at Alyana?
Samantala, isang karangalan ang natanggap ng bida ng serye na si Coco Martin matapos itong gawaran ng Fernando Poe Jr. (FPJ) Memorial Award sa 66th FAMAS Gabi ng Parangal para sa kanyang mahusay na pagganap mapa-pelikula man o telebisyon.
“Noong bata po ako, kasa-kasama lang po ako ng lola ko na nanonood ng TV dahil sobra niya pong iniidolo si FPJ at si Nora Aunor. Hindi ko po inaakala na paglaki ko po pala, papalarin po pala ako na pumasok sa ganitong klaseng trabaho,” kwento ni Coco sa kanyang acceptance speech.
“Sa ABS-CBN, maraming-maraming salamat po dahil kayo po ang nagbukas sa akin ng pinto para makagawa ako ng soap opera. Syempre po sa Star Cinema, thank you so much po dahil pinaunlakan niyo po ako na gumawa ng pelikula,” dagdag pa ni Coco.
Bukod kay Coco, binigyan din ng parangal ang isa pang FPJAP star na si Awra Briguela na nakuha naman ang German Moreno Youth Achievement Award.
Tutukan ang maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa, ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episode ng palabas, mag-log in lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
Coco wins FPJ Memorial Award at 66th FAMAS…
COCO FIGHTS FOR YASSI IN “FPJ’s ANG PROBINSYANO”
Cardo (Coco Martin) will do everything it takes to save his marriage as he fights to win back the love and trust of his wife Alyana (Yassi Pressman) in “FPJ’s Ang Probinsyano.”
While he finally reunited with his wife, it was not the scenario he was expecting as he witnessed Alyana saying yes to Marco’s (JC Santos) marriage proposal. But this did not make Cardo’s spirit waver as he put matters into his own hands and took Alyana with him to a secluded community, away from Marco.
There they will try living together, just like how their lives were before all the turmoil. But despite Cardo’s efforts, Alyana will remain stone-hearted and even attempt to escape to continue living her life without her husband.
Will there still be a chance for Cardo and Alyana?
Meanwhile, the series’ lead star Coco Martin recently received the Fernando Poe Jr. (FPJ) Memorial Award at the 66th FAMAS Gabi ng Parangal for his influential work on TV and movies.
“When I was young, I was always with my lola to watch movies of FPJ and Nora Aunor because she loves them so much. I never thought that when I grew up I would get the chance of having this job,” said Coco in his acceptance speech.
“To ABS-CBN, thank you so much for opening the doors for me to do soap operas. Of course, to Star Cinema, thank you for giving me the opportunity to do movies,” he added.
Aside from Coco, “FPJAP” star Awra Briguela took home the German Moreno Youth Achievement award.
Don’t miss the action-packed battle in the leading primetime series in the country, “FPJ’s Ang Probinsyano,” weeknights on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). To watch the show’s past episodes, log in to iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.