Tumulak papuntang South Korea ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu at RK Bagatsing para i-shoot ang espesyal na anniversary episode ng longest running legal drama sa bansa, ang “Ipaglaban Mo,” tungkol sa mga magulang na pinag-aagawan ang kanilang anak.
Mga overseas Filipino worker sina Hazel (Kim) at Alvin (RK) sa South Korea.
Akala ni Hazel ay panghabambuhay na sila ni Alvin ngunit nasira ang lahat ng kanilang pangarap nang mahuli niya ito na may ibang babae.
Kasabay ng pagkaka-deport ni Alvin pabalik ng Pilipinas dahil hindi na-renew ang kanyang working visa, nadiskubre naman ni Hazel ang kanyang pagdadalantao.
Dahil walang ibang malalapitan ay humingi ng tulong si Hazel sa pag-aalaga ng kanilang anak kay Alvin, pero nangako siyang babalikan niya ito.
Matapos ang ilang taon ay nagpakasal si Hazel sa isang Koreano, si Ji-hoo (Kyumin Moon), at handa nang kunin muli ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, ipinagkakait naman ito ni Alvin.
Sino ang kakatigan ng korte sa labang ito — ang amang nag-aruga o ang ina niyang nagluwal sa kanya?
Apat na na taon nang nagbibigay ng kaalaamang legal ang “Ipaglaban Mo” sa mga manonood. Hindi lang sa telebisyon at sa radyo naglilingkod ang programa kung hindi personal nitong pinapakinggan ang hinaing ng masa dahil sa libreng legal advice na hatid nina Atty Jose at Jopet Sison linggo linggo sa ABS-CBN Tulong Center.
Bukod sa ika-apat na anibersayo ng “Ipaglaban Mo” sa ABS-CBN, ipinagdiriwang din ng programa ang ika-30 taon nito bilang longest running legal drama sa PH TV.
Huwag palampasin ang unang episode ng 4th anniversary specials ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Korea,” sa ilalim ng direksyon ni Raymund Ocampo, ngayong Sabado (Hunyo 16), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
Kim and RK fight over custody of their child on “Ipaglaban Mo”
Kapamilya stars Kim Chiu and RK Bagatsing headed to South Korea to shoot the special anniversary episode of the hit legal drama “Ipaglaban Mo,” which airs this Saturday (June 16), featuring the case of ex-lovers fighting over their child’s custody.
Hazel (Kim) and Alvin (RK) are overseas Filipino workers in South Korea. They are a picture of happiness and love, with Alvin even promising to marry Hazel after they have saved enough money.
Things turn sour, however, when Hazel finds out that Alvin has been cheating on her.
After Alvin gets deported back to the Philippines because of a lapsed working visa, Hazel learns she is pregnant with his child. With no one else to turn to, she asks Alvin to take care of their child, with a promise to return for the kid.
Time passes by and Hazel, who is now married to Korean national Ji-hoo (Kyumin Moon), is ready to take her child back under her care. Unfortunately, Alvin refuses and resorts to legal measures to fight for the child’s custody.
Will Hazel ever get her child back? Whose side will the court take?
“Ipaglaban Mo” has been educating viewers about their rights for four years now since it started airing on ABS-CBN. The show even went out of its way of offering free legal advice to people every week via ABS-CBN’s Tulong Center.
Aside from the fourth year on air of its relaunch on ABS-CBN, “Ipaglaban Mo” also celebrates its 30th year as the longest-running legal drama on Philippine television.
Don’t miss the “Korea” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Raymund Ocampo, this Saturday (June 16) after “It’s Showtime” on ABS-CBN.
For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.