Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Hanggang saan lalaban si Andeng para sa pag-ibig sa “A Love to Last?”

$
0
0

Patuloy na susubukin hanggang sa huli ang pagmamahalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) sa huling tatlong gabi ng “A Love to Last.”

Desperada na nga si Grace (Iza Calzado) na muling mabawi si Anton, kaya naman matapos magtagumpay sa plano niyang makasama sa Hong Kong ang dating asawa ay hindi pa rin niya ito tinantanan hanggang umuwi sila ng Maynila. Hindi naman inaasahang mahuhuli ni Andeng na magkikita ang dalawa na naging dahilan para mas lumaki pa ang hindi nila pagkakaunawaan ng kabiyak.

Sa pag-alis muli ni Anton papuntang Hong Kong, matatauhan naman si Andeng at susundan ito para makipag-ayos. Ngunit sa kanyang pagdating, siya pala ang masusupresa nang makita niya si Anton at Grace na magkahalikan.

Tuluyan na kayang sumuko si Andeng sa laban?

Huwag palalampasin ang huling tatlong gabi ng “A Love to Last,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “La Luna Sangre,” sa Primetime Bida ng ABS-CBN at ABS-CBN HD (Sky ch.167). Para sa nakalipas na episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

-30-

WILL ANTON AND GRACE’S KISS BE THE LAST STRAW FOR ANDENG IN “A LOVE TO LAST”?

With Grace (Iza Calzado) stepping up her game to get Anton (Ian Veneracion) back, how far will Andeng (Bea Alonzo) to ultimately fight for love in the last three nights of ABS-CBN’s primetime series “A Love to Last”?

After having travelled with Anton to Hong Kong, Grace continues to follow Anton in Manila. Andeng unfortunately sees them together, causing another rift between the couple.

As Anton leaves for Hong Kong again, Andeng finally comes back to her senses and follows her husband to patch things up with him. A supposed surprise for Anton turns out to be a surprise for Andeng as she catches Anton and Grace kissing.

Will this be the last straw for Andeng? Will Andeng give up on love or will she keep fighting for their marriage?

Don’t miss the last three nights of “A Love to Last,” weeknights after “La Luna Sangre” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch.167). Catch up on the show’s past episodes via iWant TV or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images