Mas magiging mainit pa ang agawan at pakulo ng “The Voice Teens” coaches na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo, at Sharon Cuneta dahil huling pagkakataon na nila ngayong Sabado (June 3) upang mapuno ng mahuhusay na teen artists ang kanilang teams para sa pag-uumpisa ng inaabangang battle rounds ngayong Linggo (June 4).
Kapana-panabik nga ang mga magiging kaganapan sa huling blind auditions dahil walang padaraig sa coaches na pare-parehong sabik na makuha ang pagkapanalo sa kauna-unahang teen edition ng patimpalak.
Mula nga sa huling panalo niya sa nakaraang season ng “The Voice Kids,” determinado si Coach Lea na makamit ang back-to-back title bilang kampeon ngayong edisyon sa kanyang dedikasyong ibigay ang lahat ng kanyang kaalaman bilang isang international Broadway superstar.
Mas matapang naman ang pagbabalik sa kumpetisyon ng Popstar Royalty na si Coach Sarah at hindi nagpapadaig sa kanyang kapwa coaches pagdating sa pakikipag-agawan, makuha lamang ang puso ng magagaling na teen artists.
Patuloy naman ang pagbuo at pagpapalakas ni Coach Bamboo sa pagpili niya ng mga naiibang talento at teen artist na mayroong kakaibang estilo sa pagkanta na magtatayo ng bandera at magpapakita ng tatak Kamp Kawayan sa mga manoonood.
Bagama’t ikalawang season pa lamang bilang coach, ipinagmamalaki naman ng Megastar ang kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa industriya bilang singer-actress sa loob ng 40 na taon, kaya naman maraming kabataan ang agad humahanga at napupukaw na sumama sa kanyang team.
Sa ngayon, una nang nakumpleto ang Team Sarah na mayroon nang 14 artists na magtatapatan sa battle rounds. Samantala, tag-iisang teen artists na lang ang hinihintay ng Team Lea, Team Bamboo, at Team Sharon upang makapagpatuloy sa susunod na level ng kumpetisyon.
Sa darating na Linggo, kaabang-abang at puno ng pasabog ang magiging battle rounds ngayong edisyon dahil nagbabalik ang “steal,” na magbibigay kapangyarihan sa ibang coaches na kunin ang teen artists na hindi pinili ng kanilang orihinal na coach na magpatuloy sa kumpetisyon.
Matupad nga kaya ng coaches ang kanilang mga pangako sa kanilang teen artists? Ano nga kaya ang kanilang magiging hakbang upang makuha ang pinag-aagawang titulo bilang ang winning coach ng kauna-unahang “The Voice Teens” champion?
Samantala, hindi lamang sa telebisyon namamayagpag ang “The Voice Teens” kung hindi pati na rin sa online world. Ginawaran nga kamakailan ang “The Voice Teens” channel ng Silver Button award mula sa YouTube matapos magkamit ito ng 100,000 subscribers sa loob lamang ng 10 na araw. Kakaibang suporta nga ang ipinapakita ng fans ng show dahil inaabangan na agad nila ang performances ng artists na mai-upload sa naturaang YouTube channel, na mayroon nang 260,000 subscribers, matapos maipalabas ang mga ito sa TV.
Huwag palampasin ang kapana-panabik na bakbakan sa “The Voice Teens,” tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para past episodes ng palabas, mag-login lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
CLASH OF COACHES HEATS UP IN “THE VOICE TEENS” BATTLE ROUNDS
Expect more witty banter and explosive tricks from “The Voice Teens” coaches Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo, and Sharon Cuneta as the competition intensifies in their final chance to get talented teen artists to complete their respective teams this Saturday (June 3), who will come face-to-face starting this Sunday (June 4) in the much-awaited battle rounds.
It will be an exciting weekend for viewers nationwide as they will witness a much tougher rivalry among the coaches, who are all eager to recruit the best artists in the final leg of the blind auditions in hopes of seizing the title in the first-ever teen edition of “The Voice” Philippines.
From her victory in the previous season, Coach Lea is determined to have a back-to-back win with her evident dedication to sharing her knowledge as an international Broadway superstar to her strong roster of teen artists.
Coach Sarah definitely came back fiercer this season, not holding back in putting up a fight and using her experience as a versatile performer to get the right artists who have the talent and star quality that will make her team win.
And although it is just her second season as a coach, the Megastar takes pride in her 40-year career as a singer-actress and stands out with her fun and amusing remarks, easily impressing and convincing artists to join her team.
Coach Bamboo continues to build a solid and unique team as he carefully chooses teen artists who have a distinctive sound that will bring Kamp Kawayan to the top.
As of now, Team Sarah is already complete with 14 talented artists. Meanwhile, Team Lea, Team Bamboo, and Team Sharon need one teen artist each to continue to the next round of the competition.
After the blind auditions, the fun and excitement is set to go up a notch as the battle rounds officially begins this Sunday. More explosive surprises are coming viewers’ way, because the coaches can already use the “steal,” giving other coaches a chance to steal artists not chosen by their original coach to continue in the competition.
Will the coaches be able to fulfill their promises to their teen artists? What will be their strategies to secure their win and nab the coveted title as the coach of the first-ever “The Voice Teens” champion?
The program’s success has also gone beyond television as the YouTube channel of “The Voice Teens” recently earned a Silver Button award from YouTube after gaining 100,000 subscribers in just 10 days. The show’s fans are also known to eagerly wait for the performances of the teen artists to be uploaded on the YouTube channel, which now has 260,000 subscribers, after they have been shown on TV.
Don’t miss the exciting battle of teen artists in “The Voice Teens,” on ABS-CBN and on ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For the show’s past episodes, login to iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.