ABS-CBN’s hit drama “Wildflower” continues to captivate viewers in its primetime slot, even hitting a new all-time high national TV rating of 23.7% last Wednesday (May 3), according to data from Kantar Media, for the intense revelation made by whistleblowers against the Ardientes.
The tension continued last Friday (May 5) as Camia (Sunshine Cruz) finally confronted Emilia (Aiko Melendez) for ordering the murder of her family. Camia also revealed that Raul (Wendell Ramos) attempted to rape her.
Emilia, however, was quick to deny Camia’s claims and Julio (Tirso Cruz III) even dared Camia to prove her allegations in court.
What’s next for Camia and Ivy’s (Maja Salvador) plot for revenge? How long can Ivy hide her true identity from the Ardientes?
Don’t miss “Wildflower,” weeknights before “TV Patrol” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, follow @wildflowerabscbn on Instagram, @RSBDramaUnitNew on Twitter and like the show’s official Facebook page at https://www.facebook.com/wildflowerchannel2/. Catch its latest episodes on iwantv.com.ph orskyondemand.com.ph for Sky subscribers.
-30-
Camia, bumuwelta sa mga Ardiente
MAS MATENSYONG “WILDFLOWER,” PUMALO SA BAGONG ALL-TIME HIGH TV RATING
Mas tinutukan at tinatangkilik pa ng mga manonood ang hit primetime serye na “Wildflower” sa paglantad ng whistleblowers laban sa mga Ardiente kaya naman nakamit nito ang bagong all-time high national TV rating na 23.7% noong Miyerkules (Mayo 3), ayon sa datos ng Kantar Media.
Nagpatuloy naman ang tensyon noong Biyernes (Mayo 5) nang walang takot na isiniwalat ni Camia (Sunshine Cruz) ang kasamaan ng mga Ardiente, partikular na ang pagpapautos ni Emilia (Aiko Melendez) na patayin ang kanyang pamilya. Inilantad din ni Camia ang tangkang paggahasa sa kanya ni Raul (Wendell Ramos). Sa pasabog na kaganapang ito, inaasahan ang mas matitindi pang banggaan ng dalawang panig lalo pa’t wala pa ring malay ang mga Ardiente sa tunay na pagkatao ni Ivy (Maja Salvador) na siyang tumutulong sa ina sa paghihiganti.
Wala nang atrasan sa pagpapabagsak sa mga Ardiente lalo na ngayong umaayon na sa mag-inang sina Ivy at Camia ang kanilang mga plano. Paano kaya nila mapapanatili ang lihim na sabwatan? Tuluyan na kaya nilang mapigilan ang masasamang gawain ng mga Ardiente?
Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago ang “TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.
Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
-30-


