Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

STORY OF MOTHER’S LOVE FOR CHILDREN IN “THE GREATEST LOVE” AIRS MOST-AWAITED FINALE

$
0
0

Gloria’s (Sylvia Sanchez) story of love for her children and sacrifices to keep her family intact in “The Greatest Love” touched and left valuable lessons to viewers nationwide.

Her character showed the strength and the unconditional love of parents for their children, proving that there is no greater love than a mother’s love.

The series also became an avenue to shed light about Alzheimer’s disease and its effect to filial relationships. But Gloria and her children Amanda (Dimples Romana), Andrei (Matt Evans), Paeng (Aaron Villaflor), Lizelle (Andi Eigenmann), and grandson Z (Joshua Garcia) proved that everyone can rise from such adversity when there is love and hope in everyone’s hearts.

With the unwavering support of viewers, Sylvia Sanchez, the series’ lead star, is grateful to everyone who follows the journey of her character Gloria.

“I will never forget the love and respect as a person and as an artist the viewers made me feel,” said Sylvia.

“I am sad that we are parting ways. But I am happy because the show will end well and people like it,” she added.

Sylvia also said that the touching story strengthened her relationship with her own family and changed her perception on love. “Family is the most important thing in the world. Also, no one can keep apart two people who are destined for each other,” she said.

Viewers nationwide tuned in to the heart-wrenching scenes of “The Greatest Love,” which consistently wins the ratings game every afternoon. It hit an all-time high national TV rating of 20.4%, according to data from Kantar Media. The series is also a regular trending topic online.

Meanwhile, the series became an avenue to teach viewers about Alzheimer’s disease as it organized the forum “Remembering Our Greatest Love: An Alzheimer’s Disease Awareness Forum” with the help of the Alzheimer’s Disease Association of the Philippines (ADAP).

It airs its finale on April 21 (Friday), serving up more explosive revelations set to surprise viewers.

Watch out for the extraordinary story of a woman’s unconditional, uncompromising, all-encompassing love for her children in “The Greatest Love” after “The Better Half” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates,likewww.facebook.com/thegreatestlovetv. Catch on the program’s past episodes via iWant TV orviaskyondemand.com.ph for Sky subscribers.

“The Greatest Love” lubos ang pasasalamat sa tagumpay ng serye…
KUWENTO NG PAGMAMAHAL NG INA SA ANAK SA “THE GREATEST LOVE”
NALALAPIT NA ANG PAGTATAPOS

Hinangaan at kinapulutan ng aral ng mga manonood ang kuwento ng buhay ni Gloria (Sylvia Sanchez) sa “The Greatest Love” na nagpakita ng wagas na pagmamahal para sa mga anak at pagsasakripisyo upang mapanitiling buo ang kanyang pamilya.

Naging simbolo ang kanyang karakter ng katatagan at pinatunayang hindi mapapantayan ng kahit ano man ang pagmamahal ng isang ina, na lubos ding na nagpahanga sa mga manonood.

Naging daan din ang serye upang mamulat ang mga manonood sa sakit na Alzheimer’s disease at ang epekto nito sa pamilya. Ngunit pinatunayan naman ni Gloria at ng mga anak na sina Amanda (Dimples Romana), Andrei (Matt Evans), Paeng (Aaron Villaflor), Lizelle (Andi Eigenmann), at ng apong si Z (Joshua Garcia) na kaya lamapasan ang ganitong mga pagsubok, basta manatili ang pagmamahal at pag-asa sa puso ng bawat isa.

At dahil nga sa mainit na pagtanggap ng mga manonood, lubos ang pagpapasalamat ng bida nitong si Sylvia Sanchez sa patuloy na pagtangkilik ng mga tagasubaybay hanggang sa pagtatapos nito.

“Hindi ko malilimutan ang pinaramdam sa aking pagmamahal at respeto bilang tao at artista ng mga manonood,” sabi ni Sylvia.

“Malungkot ako dahil maghihiwa-hiwalay na kami. Pero masaya rin ako kasi matatapos ang teleserye nang maganda at gusto ng lahat,” dagdag pa niya.

Dahil nga sa nakaaantig na kwento ng serye, mas naging matibay pa ang pagmamahal ni Sylvia sa kanyang pamilya at nabago ang paniniwala sa pag-ibig. “Mas lalong pinagtibay ang paniniwala ko na ang pamilya ang pinakaimportante sa mundong ito. Wala rin sino mang makakaharang sa taong tunay na nagmamahalan,” sabi niya.

Tinututukan tuwing hapon ng mga manonood ang mga madadamdaming eksena ng “The Greatest Love,” kaya naman patuloy itong nangunguna sa national TV ratings. Nagkamit na nga ang serye ng all-time high national TV rating na 20.4%. Araw-araw rin itong trending topic sa social media at umaani ng libo-libong tweets mula sa netizens.

Samantala, naging daan din ang serye sa pagbibigay kaalaman sa sakit na Alzheimer’s disease sa isinagawang nitong forum na “Remembering Our Greatest Love: An Alzheimer’s Disease Awareness Forum” sa tulong ng Alzheimer’s Disease Association of the Philippines (ADAP).

At sa nalalapit nitong pagtatapos sa Abril 21 (Biyernes), mas marami pang dapat abangan dahil marami pang rebelasyon ang gugulat at magpapaiyak sa mga manonood na dapat tutukan ng lahat.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa “The Greatest Love”, tuwing hapon pagkatapos ng “The Better Half” sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/thegreatestlovetv.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images