Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

KOREAN SUPERSTAR PARK BO GUM OF “LOVE IN THE MOONLIGHT” THANKS FILIPINO FANS

$
0
0

Korean superstar Park Bo Gum thanked his Filipino fans for their support in the pilot telecast of his drama “Love in the Moonlight” last Monday (Mar 6) on ABS-CBN.

Bo Gum tweeted to Park Bo Gum Philippines Twitter account and said “Many thanks to you all! I’m so grateful!”

This is in reply to the fan group’s tweet to him that said, “Yay! We didn’t just trend on Twitter, we rated #1 in media ratings too! Filipinos love @BOGUMMY, alright! #ParkBoGum #KimYooJung #LITMEunuch.”

“Love in the Moonlight” indeed won the ratings game and scored 11% nationwide compared to rival’s 7.4%. The pilot episode also conquered Twitter trends with the official hashtag #LITM, Love in the Moonlight, and Bo Gum landing on the top ten trending topics in the country.

It features the love story of Crown Prince Lee Yeong (Park Bo Gum), a rebel prince who aspires for change in his community, and Sam Nom (Kim Yoo Jung), an ordinary girl that will do everything even as far as pretending to be a man named Ra-On just to find her mother. Lee Yeong’s journey will teach viewers to stand up for their beliefs and uphold the welfare of the common good, while Sam Nom shows the importance of knowing who you really are.

Aside from netizens swooning over Bo Gum, who was recently named as most influential Korean star and topped the Forbes Korea’s list of 2017 Top 40 Power Celebrity, fans also tweeted and commended ABS-CBN for the excellent job at dubbing the Asianovela to Filipino.

“I really like ABS-CBN’s dubbing when it comes to Asianovelas. It’s like listening to the characters real voices but in Filipino,” said Twitter user @navarro_roselie.

“I like it when ABS-CBN gets the nice Korean dramas. Good job, good dubbing unlikes others,” said Twitter user @aigoo_oppa.

“I Love OPM” grand winner Yohan Hwang sings the theme song of the series, which is the Korean version of Yeng Constantino’s hit song “Ikaw.”

Don’t miss “Love in the Moonlight” weeknights after “A Love to Last” only on the first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. For updates, like https://www.facebook.com/abscbnkapamilyanovelas/ on Facebook or follow @KapamilyaNovela on Twitter. Viewers can also catch up on the program’s past episodes via www.iWanTV.com.ph.

 

-30-

Paninindigan, paglilingkod sa kapwa, pagkilala sa sarili…
KOREAN SUPERSTAR PARK BO GUM NG “LOVE IN THE MOONLIGHT,” NAGPASALAMAT SA PINOY FANS

 

Pinasalamatan mismo ng Korean superstar na si Park Bo Gum ang kanyang Pinoy fans para sa suporta nito sa pilot telecast ng kanyang serye na “Love in the Moonlight” noong Lunes (Mar 6) sa ABS-CBN.

Sabi ni Bo Gum sa tweet nito sa official Twitter account ng Park Bo Gum Philippines, “Many thanks to you all! I’m so grateful!”

Ito ay bilong tugon sa tweet sa kanya ng fan group na nagsabing, “This is in reply to the fan group’s tweet to him that said, “Yay! We didn’t just trend on Twitter, we rated #1 in media ratings too! Filipinos love @BOGUMMY, alright! #ParkBoGum #KimYooJung #LITMEunuch.”

Tunay nga namang wagi sa ratings ang pilot episode ng “Love in the Moonlight” at pumalo ng 11% nationwide kumpara sa 7.4% ng kalabang programa. Trending din sa Twitter ang official hashtag nito na #LITM pati na rin ang mga salitang Love in the Moonlight at Bo Gum.

Tampok sa “Love in the Moonlight” ang nakakakilig na kwento sa pagitan ng Crown Prince Lee Yeong (Park Bo Gum), isang rebel prince na naghahangad ng pagbabago para sa kanyang sinasakupan at si Sam Nom (Kim Yoo Jung), isang ordinaryong babae na gagawin ang lahat para makita ang kanyang ina kahit magpanggap pa siya bilang lalaking si Ra-On.

Sa pamamagitan ng kwento ni Lee Yeong ay matutunan ng mga manonood na manindigan sa kanilang mga paniniwala at isalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami sa bawat ginagawa, habang ang kwento naman ni Sam Nom ay ipapakita ang halaga ng pagkilala sa tunay mong pagkatao.

Bukod sa mga netizen na nagpahayag ng kilig nila kay Bo Gum, na kamakailan ay hinirang na most influential Korean star at nanguna sa listahan ng 2017 Top 40 Power Celebrity ng Forbes Korea, may mga nag-tweet din para purihin ang ABS-CBN sa husay ng pagkaka-dub nito ng serye sa Filipino.

“Gusto ko talaga yung dubbing ng ABS-CBN kapag may Asianovela. Parang totoong boses nila na nagtatagalog. Ang sarap pakinggan,” sabi ni Twitter user @navarro_roselie.

“ABS-CBN talaga ang gusto kong nakakakuha nang mga Koran drama. Good job, good dubbing hindi tulad ng iba,” sabi ni Twitter user @aigoo_oppa.

Binigyang kulay din ni “I Love OPM” grand winner Yohan Hwang ang love story nina Lee Yeong at Sam Nom sa pagkanta niya ng Korean version ng “Ikaw” ni Yeng Constantino na siyang theme song ng programa.

Huwag palalampasin ang “Love in the Moonlight,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “A Love to Last,” sa Primetime Bida ng first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

Para sa updates, i-like ang https://www.facebook.com/abscbnkapamilyanovelas/ sa Facebook o i-follow ang @KapamilyaNovela sa Twitter. Maari ring panoorin ang past episodes ng programa via www.iWanTV.com.ph.

-30-


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images