ABS-CBN celebrated Christmas by bringing Filipinos together as one family through the “Isang Pamilya Tayo” campaign that includes a Christmas station ID that has enjoyed more than 2.5 million views online, Simbang Gabi in different parts of the country, outreach activities, and a star-studded heartwarming Christmas special.
Every year, Filipinos have always looked forward to ABS-CBN’s Christmas station ID and this year’s “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko” song became a hit as it delivers an inspiring message that nothing is impossible in life as long Filipinos are united as one family in love and in faith.
ABS-CBN also reached out to Kapamilyas in the provinces via the Kapamilya Simbang Gabi, which was celebrated in Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu), Naga Metropolitan Cathedral (Naga), Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag (Pangasinan), San Sebastian Cathedral of Lipa (Batangas), St. Francis of Assisi (Davao), and Parokya ni San Pedro (Bulacan) and broadcast on television.
Medical and dental missions, job fair, raffle, games, and entertainment marked the ABS-CBN News Family Fair held in Marikina Sports Complex that was attended by thousands of Kapamilyas.
ABS-CBN Sports mounted three basketball clinics in Bulacan, Navotas, and Quezon City and taught children aged 9 to 16 the basic skills in basketball, while Star Creatives and Cinema One teamed up to bring a free screening of “That Thing Called Tadhana” among students of Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School.
“It’s Showtime,” meanwhile, kicked off its Christmas celebration and invaded Payatas through its “Hashtarana” segment, where Hashtags Nikko and Luke recognized a model family and gave scholarships to three children.
The Christmas festivities are not limited to Kapamilyas in the metro as ABS-CBN Regional spread the holiday cheers in Bacolod and Dumaguete via its community Zumba activities.
ABS-CBN capped off another love-filled Christmas season with its annual Christmas special held at a jampacked Araneta Colisuem, which brought cheers and warmed the hearts of Filipinos with production numbers from more than 200 stars.
Even Kapamilyas online joined the fun and raved about their favorites that made the official hashtag #ABSCBNChristmasSpecial trend on Twitter worldwide.
“Isang Pamilya Tayo” station ID, pumelo na sa 2.5 M views sa YouTube
ABS-CBN AT MGA PINOY, ISANG PAMILYANG IPINAGDIWANG ANG KAPASKUHAN
Pinagdiwang ng ABS-CBN ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga Pilipino bilang isang pamilya sa isinagawa nitong Christmas campaign na “Isang Pamilya Tayo.”
Kabilang dito ang Christmas station ID na talaga namang inaabangan ng mga manonood at umani na ng 2.5 milyon views online. Patok na patok ang theme song nito na “Isang Pamilya Tayong Ngayong Pasko” na may mensaheng walang imposible sa mundong ito hanggat’t nagmamahalan at nagkakaisa ang pamilya.
Abot-kamay din ng ABS-CBN ang mga Kapamilya sa probinsya sa ginawang Kapamilya Simbang Gabi sa Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu), Naga Metropolitan Cathedral (Naga), Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag (Pangasinan), San Sebastian Cathedral of Lipa (Batangas), St. Francis of Assisi (Davao), at Parokya ni San Pedro (Bulacan) at ipinalabas live sa telebisyon.
Bumida naman ang medical at dental missions, job fair, raffle, games, at libreng programa mula sa Kapamilya stars sa ABS-CBN News Family Fair na ginanap sa Marikina Sports Complex at dinaluhan ng libo-libong Kapamilya.
Nakibahagi rin ang ABS-CBN Sports sa isinagawa nitong basketball clinics sa Bulacan, Navotas at Quezon City kung saan tinuruan ng basic skills sa basketball ang mga kabataang may edad 9 hanggang 16, habang ang Star Creatives at Cinema One naman ay nagsanib-puwersa para maghatid ng libreng screening ng “That Thing Called Tadhana” sa mga estudyante ng Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School.
Samantala, tumungo naman ang “Hashtarana” segment ng “It’s Showtime” sa Payatas kung saan kinilala ng show, sa pamamagitan nina Hashtags Nikko at Luke, ang isang model family at pinagkalooban pa ng scholarships ang tatlo sa mga supling.
Hindi lang sa Metro Manila naganap ang pagdiriwang ng Pasko ng Kapamilya kung hindi pati rin sa Bacolod at Dumaguete kung saan nagsagawa naman ng community Zumba activities ang ABS-CBN Regional.
Bilang pagtatapos sa selebrasyon, idinaos ang inaabangang ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum at nagdala ng saya sa maraming fans sa pagtatanghal na ipinamalas ng mahigit 200 Kapamilya stars.
Maging netizens ay nakisaya rin sa pagdiriwang matapos mag-trend worldwide ang official hashtag na #ABSCBNChristmasSpecial.





































