A “yaya” turned entrepreneur will share her success story to Karen Davila this Tuesday (November 15) on “My Puhunan,” as the anchor explores the Gastro Park in Kapitolyo, Pasig. Terry Garcia’s Nori Restaurant is slowly gaining fame for its innovative supersized sushi burrito. However, not many know that Terry built her business through the help of her former ward, who is now her business partner and co-owner in other ventures. Apart from that, Davila will also get to talk with Micaela Leoncio, who together with her family and their love for cuisines from all over the world, established the Gastro Park sa Kapitolyo and opened it to people who are interested in delving into the restaurant business. Be inspired and amazed by Terry’s perserverance to reach her dreams on the award-winning ABS-CBN current affairs program “My Puhunan” this Tuesday (November 15) at 9:30pm on DZMM Teleradyo, and after “Bandila” on ABS-CBN. You may also view it via streaming on www.iwantv.com.ph. For updates, visit www.facebook.com/MyPuhunan at www.twitter.com/MyPuhunan.
-30-
YAYA AT ALAGA, NAG-TANDEM SA NEGOSYO SA “MY PUHUNAN.” Mula sa isang simpleng gotohan, restaurant na ang pagmamay-ari ni Terry Garcia, isang dating yaya. At ang kanyang business partner, ang batang kanyang inalagaan noon. Panoorin ang nakabibilib na kuwento ni Terry at ng iba pang negosyante ngayong Martes (November 15) sa “My Puhunan” sa pagbisita ni Karen Davila sa Gastro Park food park. Araw-araw ay dinadayo ng mga taong gustong makatikim ng iba’t-ibang klase ng pagkain ang Gastro Park kung saan binabalik-balikan ang super size sushi burrito ng restaurant ni Terry na “Nori.” Sa kwento ni Terry, mataas ang kanyang pangarap kaya’t nagpursigi siyang mag-negosyo. Ngayon, ka-negosyo na niya ang dating niyang alaga. Kilalanin din ang promotor ng naturang food park na si Micaela Leoncio, na ginamit ang pagka-hilig sa iba’t ibang putahe ng mundo para buuin ang kanyang food park. Huwag palampasin ang isa na namang nakaka-inspire na kwento ng Pilipinong negosyante sa award-winning ABS-CBN current affairs program na “My Puhunan” ngayong Martes (November 15) ng 9:30pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa pamamagitan ng livestreaming sa www.iwantv.com.ph. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa www.facebook.com/MyPuhunan at www.twitter.com/MyPuhunan.
-30