Are you willing to risk everything so that love wins?
ABS-CBN and Dreamscape Television Entertainment proudly bring the newest series set to show that real love wins, “Till I Met You” starring the love team of real-life couple James Reid and Nadine Lustre, with primetime’s new leading man JC Santos, which starts on Monday (Aug 29).
Nadine plays Iris, an achiever yet simple girl who wishes to give her family a better life. Having grown up without a father, she lives happily with her siblings and her mother Cassandra (Carmina Villarroel).
She then develops a mutual understanding with her childhood best friend Ali (JC Santos), a son of a military general and a cook.
With the same aspirations in life, Iris and Ali grow closer to each other and will develop a budding romance.
Together they will chase for their dreams in Greece, where they will meet Basti (James Reid), a rebellious son who works as a tour guide in the country. Living only by himself, he will find the acceptance he has been looking for from Iris and Ali.
However, their friendship will be put to test as Basti falls for Iris, deeply hurting Ali. This will lead them to the point of choosing between what matters more: love or friendship.
Will Iris and Ali still fulfill the dreams they built together? Will Basti fight for his love for Iris? Are they ready to risk everything to have the one they love?
Aside from the kilig moments, viewers are set to see the breathtaking sceneries of Greece as some of the scenes were shot in Santorini and other parts of the country.
Also joining the stellar cast are Zoren Legaspi, Angel Aquino, Pokwang, Kim Molina, and Robert Seña with the special participation of Richard Yap at Jay Manalo. It is under the direction of Antonette Jadaone and Andoy Ranay.
Don’t miss the scenes showing that real love wins in “Til I Met You,” weeknights after “FPJ’s Ang Probinsyano” on ABS-CBN or on ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up via iWanTV or via skyondemand.com.ph for Sky subscribers.
JAMES AT NADINE, IPAKIKITANG TUNAY NA PAG-IBIG ANG MAMAMAYANI SA “TILL I MET YOU”
Dapat bang maging handa ang isang tao na ibigay ang lahat upang mamayani ang tunay na pag-ibig?
Ito ang dapat abangan ng mga manonood sa pinakabagong seryeng inihahandog ng ABS-CBN at Dreamscape Television Entertainment, ang “Till I Met You” na pinagbibidahan ng nagbabalik telebisyon at real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre at ng pinakabagong primetime leading man na si JC Santos simula ngayong Lunes (Aug 29).
Gaganap si Nadine bilang Iris, isang simpleng babaeng nais makapagbigay ng magandang buhay sa kanyang pamilya. Bagama’t walang nakagisnang ama, masaya itong namumuhay kasama ang kanyang mga kapatid at inang si Cassandra (Carmina Villarroel).
Magugustuhan naman ni Iris ang kanyang childhood best friend na si Alejandro (JC Santos), only child ng isang military general at isang cook. Dahil sa kanilang mga pangarap sa buhay, mas maglalapit ang kanilang mga puso at uusbong ang matamis na pagtitinginan sa pagitan nilang dalawa.
Sa kagustuhang sabay tuparin ang kanilang mga pangarap, tutungo sila ng Greece at makikipagsapalaran kung saan makikilala nila si Basti (James Reid), isang rebeldeng anak na nagtatrabaho bilang tour guide sa naturang bansa. Dahil sa pag-iisa nito, maghahanap ito ng pamilya na kanyang makabibilangan, at makikita niya ito kina Iris at Basti.
Sa pagtagal ng panahon, masayang samahan ang mabubuo sa kanilang tatlo, ngunit masisira ito sa hindi inaasahang pagkakahulog ng loob ni Basti kay Iris. Lubos itong ikagagalit ni Ali na magdadala sa kanila sa puntong mamili kung alin ang mas matimbang: pagkakaibigan o pagmamahal.
Matupad pa rin kaya nina Iris at Ali ang mga pangarap na kanilang magkasamang binuo? Ipaglalaban ba ni Basti ang kanyang pagmamahal para kay Iris? Handa ba silang ibigay ang lahat para sa kanilang taong minamahal?
Bukod sa mga nakakikilig na eksena sa serye, dapat ding abangan ang mga makipigil-hiningang tanawin ng Greece kung saan kinuhaan ang ilan sa mga eksena ng serye. Isa na nga rito ang sikat na sikat na isla ng Santorini.
Mapapanood din sa “Till I Met You” sina Zoren Legaspi, Angel Aquino, Pokwang, Kim Molina, at Robert Seña. May espesyal na partisipasyon din sina Richard Yap at Jay Manalo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Antonette Jadaone at Andoy Ranay.
Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa “Till I Met You,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.