Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

TOP 9 YOUNG ARTISTS OF “THE VOICE KIDS” WOO PUBLIC FOR VOTES IN LIVE SEMI-FINALS THIS SATURDAY

$
0
0

The Voice Kids coaches Lea Salonga, Bamboo, and Sharon Cuneta

The live grand vocal showdown in “The Voice Kids” Season 3  begins this weekend as the top 9 young artists are all set to fight for their dreams and face the public’s verdict in the Live Semi-Finals happening on Saturday and Sunday (Aug 20 and 21).

Don’t miss the exciting clash of young voices as the Top 3 artists of coach Lea Salonga, coach Bamboo, and coach Sharon Cuneta battle it out for three spots to represent their respective teams in the most awaited Grand Finals and be hailed as the newest “The Voice Kids” grand champion.

Watch out for FamiLea, with three-chair turner Yessha Dela Calzada, who will try to make her dream of becoming a Broadway singer come true by winning the competition. Joshua Oliveros is also motivated to take home the title in hopes of bringing his family back together. Completing the young artists of Team Lea is Angel Peñaflor, who is set to amaze viewers not only with her knowledge in astronomy but also with her undeniable talent in singing.

Kamp Kawayan also has the chance of having another “The Voice Kids” champ with the returning young artist and three-chair turner Justin Alva delivering another heartfelt performance that will surely capture viewers’ hearts. Heart Salvador is also ready to battle wtih her late sister as her inspiration to win the competition. Another three-chair turner Xylein Herrera will continue to make her hometown Boracay proud with her unique voice and stage presence that could lead her to the finals.

Viewers are also in for huge surprises with Team Sharon’s explosive performances. Online sensation and three-chair turner Antonetthe Tismo is set to inspire more fans not only with her story but also with her angelic voice. Another three-chair turner, Alvin Dahan’s impressive high notes and dedication to give his family a better life can be the perfect ingredient to woo votes from the public. JC Tan is also someone to watch out for after he surprised everyone with his powerful performance during the Sing-Offs round.

To support your favorite young artists, make sure to tune into the Live Semi-Finals to get the full voting mechanics and know when the voting lines will open.

Who will be the three remaining young artists that will clash in the Grand Finals? Who among them will follow the path of the previous “The Voice Kids” grand champions Lyca Gairanod and Elha Nympha?

Don’t miss the “The Voice Kids” every Saturday, 7:15PM and Sunday, 7PM on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

 

Tatlong puwesto sa grand finals kada team, kanino kaya mapupunta?
TOP 9 NG “THE VOICE KIDS,” SASALANG NA SA BOTOHAN SA LIVE SEMI-FINALS NGAYONG SABADO

Handa nang ipaglaban ng Top 9 young artists ng “The Voice Kids” Season 3 ang kani-kanilang mga pangarap sa Live Semi-Finals ng kumpetisyon ngayong Sabado at Linggo (Aug 20 at 21), kung saan sa unang pagkakataon ay kakanta sila para makuha ang boto ng publiko.

Maglalaban-laban sa bosesan ang Top 3 artists nina coach Lea Salonga, coach Bamboo, at coach Sharon Cuneta para makuha ang kaisa-isang puwesto kada team patungo Grand Finals at ang pagkakataong tanghaling “The Voice Kids” grand champion.

Para sa FamiLea, susubukang sungkiting ng three-chair turner na si Yessha Dela Calzada ang pagkapanalo tungo sa kanyang pangarap na maging isang Broadway singer. Makikipagtunggali rin si Joshua Oliveros na naghahangad na maging daan ang kanyang pagkanta upang mabuo muli ang kanilang pamilya. Si Angel Peñaflor  naman ang kukumpleto sa Team Lea na muling pahahangain ang mga manonood hindi lamang sa kanyang kaalaman sa astronomy kung hindi pati na rin sa husay niya sa pagkanta.

Hindi rin naman padadaig ang returning young artist at three-chair turner na si Justin Alva ng Kamp Kawayan na hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataon upang masungkit ang kampeonato. Kasama rin niyang lalaban si Heart Salvador na inspirasyon ang kanyang yumaong ate para manalo sa kumpetisyon. Itatayo naman ng isa pang three-chair turner na si Xylein Herrera ang bandera ng Boracay sa kanyang kakaibang boses na siguradong kamamanghaan ng mga manonood.

Kaabang-abang din ang mga pasabog na ihahandog ng Team Sharon na kninabibilangan ng online sensation at three-chair turner na si Antonetthe Tismo na hinahangad na maiangat sa kahirapan ang pamilya gamit ang kanyang talento sa pagkanta. Makikipagbakbakan din ang isa pang three-chair turner ng Team Sharon na si Alvin Dahan at muling pabibilibin ang lahat sa taas ng kanyang boses at sa kanyang dedikasyon upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Dapat ding abangan si JC Tan na ginulat ang lahat sa Sing-Offs round sa kanyang makapagil-hiningang performance.

Ang nag-iisang miyembro ng bawat team na makakakuha ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto ang magtutunggali sa Grand Finals.

Sino-sino ang tatlong young artists na magsasagupaan sa huli? Sino-sino nga kaya ang may pagkakataong sumunod sa yapak ng dating “The Voice Kids” grand champions na sina Lyca Gairanod at Elha Nympha?

Huwag palampasin ang “The Voice Kids” Semi-Finals live ngayong Sabado, 7:15PM at Linggo, 7PM sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Team Bamboo Top 3 artists  Xylein, Justin, Heart Team Lea Top 3 artists Yessha, Joshua, Angel Team Sharon Top 3 artists JC, Antonetthe, Alvin


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Trending Articles