Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Limang semifinalists pangmalakasan ang bakbakan sa “Tawag ng Tanghalan” semifinals

$
0
0

Nag-umpisa na ng tagisan ng galing ng limang semifinalists na muling magpapatunay sa kanilang husay upang makatuntong sa grand finals sa week-long Quarter 1 semifinals ng “Tawag ng Tanghalan Year 3” sa “It’s Showtime.”

Nagtapat-tapat na simula noong Lunes (Oktubre 1) ang contenders na kinanta ang kanilang mga pangmalakasang piyesa upang makuha ang boto ng mga hurado at madlang people.

Patuloy nga sa kanyang pangarap si John Mark Digamon ng Mindanao, na una na ring sumali at nabigo noong 2016. Ngayong isa na siya sa mga semifinalist, hindi niya na pakakawalan ang pagkakataong makamit ang kanyang pangarap at makagawa ng marka sa industriya.

Hindi naman padaraig ang isa pang pambato ng Mindanao na si Jophil Cece na ikinabubuhay ang pagiging isang mangangahoy. Ang talento niya ang kanyang magiging instrumento upang iahon ang mga magulang mula sa hirap at makuha ang trono ng tanghalan.

Mula rin sa Mindanao ang trending contender at kauna-unahang “TNT Record Holder” na si Elaine Duran na bata pa lamang ay lumalaban na para sa pangarap. Hindi niya sasayangin ang mainit na suportang kanyang natatanggap ngayong isa hakbang na lang siya patungong grand finals.

Dala-dala naman ni Windimie Yntong ang bandera ng Visayas na iniaalay ang laban para sa kanyang ina. Bitbit ang pangaral at bilin ng kanyang nanay, makikipaglaban siya gamit ang kanyang buong puso upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Lalaban din para sa Visayas si Ranillo Enriquez na nagsisilbing inspirasyon sa paglaban ang kanyang anak at naniniwalang nakatakda siyang maging isang kilalang mang-aawit na magpapahanga sa buong mundo.

Upang makapasok sa grand finals, kailangan nilang pabilbin ang mga hurado at madlang people na pagmumulan ng tig-50% ng kanilang total scores.

Isa na nga kaya sa kanila ang idedeklarang “TNT” Year 3 grand champion?

Para suportahan ang paboritong contenders, iboto sila sa pamamagitan ng pag-text ng TAWAG (space) (Name of Semifinalist) at i-send ito sa 2366 para sa lahat ng networks (P1 per vote). Maaari lang makapagpadala ng isang boto ang bawat SIM card kada araw.

Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Five semifinalists battle for vocal supremacy in “Tawag ng Tanghalan” semifinals

The first five semifinalists of “Tawag ng Tanghalan’s” third year have made their powerful voices heard to prove that they deserve a spot in the grand finals in the week-long Quarter 1 semifinals of “Tawag ng Tanghalan” in “It’s Showtime.”

Last Monday (October 1), the contenders opened the week with strong vocal performances as they sang their powerful contest pieces that impressed the hurados and madlang people.

Returning contender John Mark Digamon of Mindanao, who first joined the competition in 2016, keeps the fire igniting in his heart despite his previous loss.  Equipped with life lessons and experiences, he will not let his past failure keep him from achieving his dreams.

Also from Mindanao, Jophil Cece, who sells scrap wood for living, will use his vocal talent as an instrument to get his parents out of poverty. With his family as his inspiration, he is confident he can sing through life’s toughest times and give his loved ones a bright future.

Elaine Duran, the trending contender from Mindanao and the first-ever “TNT Record Holder,” will put to good use the support she has gotten from her stint. As she battles head on against her competitors, Elaine will continue to prove that her distinct voice will bring her to the grand finals.

Windimie Yntong’s soaring high voice catapulted her and the rest of the Visayas to the semifinals. Strengthened by her mother’s love who singlehandedly raised her, Windimie will keep dreaming and fighting for the person whom she owes all of her successes.

Ranillo Enriquez also represents Visayas with his soothing voice and vocal gymnastics that repeatedly impressed the hurados and the madlang people. With his son by his side, Ranillo believes he is destined to become an accomplished singer and a Pinoy talent who deserves to be recognized worldwide.

Like in the previous semis battles, the judges’ scores (50%) and the madlang people’s votes (50%) will determine the contenders that will make it to the grand finals.

Will one of them be the “TNT” Year 3’s grand champion?

To support your favorite contenders, vote for them by texting TAWAG (space) (Name of Semifinalist) and send to 2366 for all networks (P1 per vote). A SIM card can only send one vote per day.

Don’t miss the fun and good vibes in “It’s Showtime,” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). For the program’s past episode, login to iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images