Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Joem, ipaghihiganti ang pamilya sa korte sa “Ipaglaban Mo”

$
0
0

Ipapakita ni Joem Bascon kung ano ang kaya niyang gawin para maibalik ang nasirang buhay ng kanyang pamilya ngayong Sabado (Setyembre 15) sa “Ipaglaban Mo.”

Masayang namumuhay sina Jonas (Joem) at Sarah (Roxanne Barcelo) kasama ang kanilang tatlong anak, bagama’t hindi gaanong nakaaangat sa buhay.

Masisira ang lahat ng ito sa isang gabi, nang paglooban sila ng walong lalaking may mga itak. Pagnanakawan sila ng mga ito, ngunit higit pa roon ay gagahasain nila si Sarah. Dahil nakagapos ay hindi maipagtatanggol ni Jonas ang kanyang misis, na siyang ikakahiya nito.

Paano ipapakita ni Jonas ang pagpapahalaga sa kanyang pamilya matapos ang trahedyang kanilang dinanas? Ano ang gagawin ng kanilang mag-anak para makapaghiganti sa walong lalaking nanakit sa kanila?

Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.

Huwag palampasin ang “Puri,” sa direksyon ni Dondon Santos, ngayong Sabado (Setyembre 15), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

 

 

 

Joem seeks justice for his family in “Ipaglaban Mo”

Joem Bascon will do anything to get back the life his family lost on this Saturday’s (September 15) “Ipaglaban Mo.”

Jonas (Joem) and Sarah (Roxanne Barcelo) lead a simple but very happy life with their three children. Although they don’t have much, what they value most is their family.

However, their lives will turn upside down when a group of eight bolo-wielding men invade their home, rob them of their meager valuables, and even rape Sarah. Jonas, who was tied up at that time, could not do anything to defend his wife much to his shame.

How will Jonas show that his family means more to him than anything in the world? How will their family fight back against the men who hurt them?

“Ipaglaban Mo,” the longest-running legal drama on Philippine television, offers viewers entertaining and informative episodes about real-life cases, which they may learn from. It also offers free legal advice to the public every week at ABS-CBN’s Tulong Center in Quezon City.

Don’t miss the “Puri” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Dondon Santos, this Saturday (September 15) after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673