Parami nang parami ang mga tumututok sa maiinit na eksena sa “Halik” kaya naman nagkamit ito ng all-time high national TV rating noong Biyernes (Agosto 24) sa episode kung saan kinompronta nina Lino (Jericho Rosales) at Jacky (Yen Santos) ang kani-kanilang mga asawa tungkol sa mga problema nila.
Paakyat nang paakyat ang ratings ng “Halik” mula nang mag-premiere ito noong Agosto 13. Sa ikalawang linggo nito ay umabot na nga ito ng 20.7%, mas mataas sa 12.9% ng katapat nitong “Inday Will Always Love You,” ayon sa datos ng Kantar Media.
Sa nasabing episode, pinagtakpan ni Ace (Sam Milby) ang kanyang naging relasyon sa sekretarya ni Jacky. Dito rin nagulo ang mga plano para sa pagbubukod nina Lino at Jade (Yam Concepcion) dahil gustong isama ni Lino ang kanyang pamilya.
Naging usap-usapan din sa Twitter ang naging hashtag ng episode na #PalusotNaHalik na napabilang sa trending topics noong araw na iyon. Umani ito ng libu-libong tweets kung saan pinadama ng netizens ang kanilang pag-relate sa mga kaganapan sa serye.
Para kay @jhegequillo si Jade ang dapat mag-adjust, “Hindi namn agad agad makakabukod ka Jade kailangan mong alalahanin mahirap lg kayo it takes time ano ba #PalusotNaHalik”
Team Jade naman sa usapan si @_yssarmina, “at some point, naiintindihan ko naman si jade kung bakit gusto nya bumukod, bakit naman kasi lahat sila asa kay lino. #PalusotNaHalik”
Simula pa lang ito ng mga magiging pagsubok sa pagsasama nina Lino at Jade lalo na’t eeksena na si Ace sa pagitan nilang dalawa.
Huwag palalampasin ang mga maiinit na eksena sa pinaka-mapusok na teleserye sa telebisyon. Panoorin ang “Halik” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Ngayon at Kailanman.” Maaari rin itong mapanood sa iWant TV. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
Relatable situations keep viewers hooked
“Halik” achieves all-time high national TV rating
The most daring teleserye on TV this year, “Halik,” just achieved its all-time high national TV rating. The Jericho Rosales-starrer gained its highest rating so far for its episode last Friday (August 24) where Lino (Jericho) and Jacky (Yen Santos) confront their respective spouses about their problems.
The national TV ratings of “Halik” has been continuously rising since its premiere last August 13, until it breached the 20-point mark last Friday. It received a rating of 20.7%, beating its rival “Inday Will Always Love You (12.9%),” according to data from Kantar Media.
In the episode, Ace (Sam Milby) successfully covers up his affair with Jacky’s secretary, while Lino and Jade (Yam Concepcion) encounter another road bump to their independence when he announced that his family will move in with them in their new home.
Many netizens were able to relate to what Lino and Jade were going through which is why its hashtag, #PalusotNaHalik, trended on Twitter.
@jhegequillo tweeted that Jade should be more understanding of Lino’s family, “Hindi namn agad agad makakabukod ka Jade kailangan mong alalahanin mahirap lg kayo it takes time ano ba #PalusotNaHalik”
Meanwhile, @_yssarmina let Twitter know why she’s Team Jade in the discussion, “at some point, naiintindihan ko naman si jade kung bakit gusto nya bumukod, bakit naman kasi lahat sila asa kay lino. #PalusotNaHalik”
This is only the beginning of Lino and Jade’s marital problems as Ace will begin making new ones for them.
Keep tuning in to the most daring teleserye on television. Watch “Halik” every night on ABS-CBN Primetime Bida, right after “Ngayon at Kailanman.” It is also available to stream on iWant TV. For more updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram, or visit www.abscbnpr.com.