Former “The Voice Kids” contestant, now a Star Pop artist
Kyle Echarri is the latest recording artist to join Star Pop—Star Music’s record sublabel for the younger market— and is currently making waves with the successful launch of his “Pangako” single followed by its music video premiere on MYX last Monday.
A Top 6 contestant in “The Voice Kids” season 2 under Team Sarah, the now fifteen-year-old soloist reached the top spot on iTunes PH’s Top 100 Songs Chart when he first introduced his latest pop hit.
The singer-actor first performed the song live in the MYX Music Awards 2018 held at the Araneta Coliseum and launched it on radio through MOR 101.9. The single immediately joined the daily top hits survey, MOR Pinoy Biga10, and has stayed in the charts for weeks.
“Pangako,” composed by Gabriel Tagadtad, arranged by Theo Martel, and produced by Rox Santos, will be part of the prince crooner’s upcoming album under Star Pop. Rox is also the overall album producer.
Get serenaded with Kyle’s “Pangako,” now available for downloads in digital stores worldwide. Catch its music video on MYX, available on SKYcable channel 23. For more details on Kyle’s upcoming album and mall shows, visit starmusic.ph, like Star Music on facebook.com/starmusicph, and follow it on Twitter and Instagram @ StarMusicPH.
Dating “The Voice Kids” contestant, Star Pop recording artist na!
Kyle Echarri, naglunsad ng “Pangako” single at music video
Si Kyle Echarri na ang latest recording artist na kabilang sa Star Pop—ang record sublabel ng Star Music para sa mga kabataan— na kasalukuyang nag-iingay dahil sa matagumpay na paglabas niya ng “Pangako” single na susundan naman ng paglunsad ng music video nito sa MYX noong Lunes.
Ang Top 6 contestant sa “The Voice Kids” season 2 mula sa Team Sarah ay isa na ngayong 15-anyos na singer na nanguna sa Top 100 Songs Chart ng iTunes PH noong araw na inilabas niya ang nasabing pop hit.
Naunang ipinarinig ng singer-actor ang kanta sa ginanap na MYX Music Awards 2018 sa Araneta Coliseum at inilunsad naman sa radyo sa MOR 101.9. Agad-agad, naging bahagi ang awitin ng MOR Pinoy Biga10, ang daily OPM hits survey ng istasyon, at naglagi dito sa loob ng ilang linggo.
Magiging bahagi ng upcoming album ni Kyle ang kantang “Pangako,”na isinulat at nilapatan ng tugtog ni Gabriel Tagadtad, inareglo ni Theo Martel, at prinodyus ni Rox Santos. Si Rox din ang magsisilbing overall producer ng album sa ilalim ng Star Pop.
Pakinggan ang “Pangako” ni Kyle na pwedeng nang ma-download sa iba’t ibang digital stores. Abangan ang music video nito sa MYX na mapapanood sa SKYcable channel 23. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.