Muling mapapanood sa telebisyon ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber sa paghatid nila ng aral at pati na rin kilabot sa “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko,” na mapapanood simula ngayong Linggo (Hulyo 22).
Kilalanin si Espie (Maymay), isang dalagang nagpapanggap na manghuhula at espiritista upang maitaguyod ang pamilya. Isang pangyayari ang babago sa buhay niya sa hindi sinasadyang pagbukas ng kanyang third eye, dahilan naman para muling makita ang kanyang namayapang amang si Pidiong (Jojit Lorenzo).
Ngunit ito rin ang dahilan sa pagkukrus muli ng landas nila ni Vincent (Edward), ang lalaking kanyang minahal ngunit lubos siyang sinaktan, nang hindi inaasahang makita niya ang kaluluwa nito. Sa pagkikita nilang muli, hihingin ng multong binata ang tulong ni Espie na makausap ang kanyang ina upang ilahad ang katotohanan sa kanyang pagkamatay.
Ito naman ang mag-uudyok kay Espie na bigyan ng katarungan ang pagkawala ni Vincent at gamitin sa tama ang kanyang kakaibang kakayahan.
Matulungan nga kaya ni Espie si Vincent? Uusbong nga kaya ang pagmamahalan sa dalawa ngayong pinaghihiwalay sila ng buhay at kamatayan?
Kasama rin sa cast “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko” sina Patrick Quiroz, Luis Hontiveros, Yayo Aguila, Neil Coleta, Wilma Doesn’t, Clarence Delgado, Jojit Lorenzo, Hannah Ledesma, Josh Ivan Morales, Noel Colet, at Darwin “Hap Rice” Tolentino.
Umeere na sa loob ng halos dalawang dekada, ang “Wansapanataym” ang kauna-unahang Filipino program na nakatanggap ng nominasyon sa prestihiyosong International Emmy Kids Awards para sa best TV movie/mini-series category. Katapat nito ang mga programa mula Netherlands, United Kingdom, at Australia.
Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Ikaw ang Ghosto ko” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
“Wansapanataym” continues to share lessons to children…
MAYWARD TEACHES VALUES IN TV COMEBACK IN “WANSAPANATAYM”
Maymay Entrata and Edward Barber bring a magical mix of drama and thrill as they return to television in their first starring TV team-up for “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko,” which airs this Sunday (July 22).
Maymay plays Espie, an orphan who pretends to be a fortune-teller to make ends meet. After getting into an accident, her life changes as her third eye opens, which gives her the ability to talk to the dead, even to her late father Pidiong (Jojit Lorenzo).
But her sixth sense also reopens a forgotten chapter in her life as she crosses paths with Vincent (Edward), the man who toyed with her feelings when he was alive, in an unexpected encounter. Despite their bitter past, the troubled ghost will ask for Espie’s help so he can reconnect with his mother and finally tell the truth behind his untimely death.
This marks the start of a new journey in Espie’s life and a chance to put her ability to good use, instead of deceiving people as a fortune-teller.
Will Espie be successful in helping Vincent? Will life and death hinder them from falling for each other?
Also part of “Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko” are Patrick Quiroz, Luis Hontiveros, Yayo Aguila, Neil Coleta, Wilma Doesn’t, Clarence Delgado, Jojit Lorenzo, Hannah Ledesma, Josh Ivan Morales, Noel Colet, and Darwin “Hap Rice” Tolentino.
Having aired for almost two decades, “Wansapanataym” is the sole Filipino program to be nominated in the prestigious International Emmy Kids Awards held recently under the best TV movie/mini-series. It battled against shows from Netherlands, United Kingdom, and Australia.
Don’t miss the values shared in “Wansapanataym Presents: Ofishially Yours” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.