Tunghayan si Mccoy de Leon sa isang mapanghamong pagganap bilang isang lalaking hinarap ang takot na magkaroon ng sakit na dystonia katulad ng kanyang tatlong kapatid ngayong Sabado (Hunyo 2) sa “MMK.”
Sa hirap ng kanilang buhay, pinili ni Romel (Mccoy) na malayo sa pamilya at sinubok ang kapalaran sa Maynila. Pero sa kanyang paghahanap ng swerte, pag-ibig ang kanyang nakuha sa katauhan ni Easter (Claire Ruiz).
Nang sila ay makasal, minabuti ni Romel na balikan ang kanyang kinagisnan at doon na rin bumuo ng kanyang pamilya. Ngunit sa kanyang pagbabalik, parang isang bomba ang sumabog sa kanya nang malamang ang kanyang kapatid na si Nonoy (Angelo Ilagan) ay may dystonia, isang sakit na nakakaapekto sa buto ng tao at nagdudulot ng biglaang paggalaw ng iba’t ibang parte ng katawan.
Hindi pa natapos ang dagok sa kanyang buhay nang malamang napapasa ang sakit at kalaunan ay tinamaan na rin ang kanyang dalawang lalaking kapatid na sina Toto (Marlo Mortel) at Joey (Mico Aytona).
Paano kaya nakayanan ni Romel ang sunod-sunod na dagok sa kanyang buhay?
Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat ni Akeem del Rosario. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
YOUNG MAN FACES LIFE DESPITE FEARS OF HAVING DYSTONIA IN “MMK”
Mccoy De Leon gives life to the story of Romel, a young man who fears suffering the same fate as his brothers who are all diagnosed with dystonia, a movement disorder, this Saturday (June 2) in “MMK.”
When Romel went to Manila to find a job, he found love instead in Easter (Claire Ruiz).
After they got married, Romel brought Easter back to his hometown, where he was welcomed with the shocking news that his brother, Nonoy (Angelo Ilagan), was diagnosed with dystonia. Dystonia is a neurological movement disorder that results into twisting, repetitive movements, or abnormally fixed postures.
As if Nonoy’s condition wasn’t a handful already, Romel discovered that the disorder can be passed on among the males in the family. Later on, Romel’s other brother Toto (Mario Mortel) and Joey (Mico Aytona) were also diagnosed with the illness.
How did Romel face this ordeal? How did it affect him, knowing that he could be next in line to having dystonia?
The episode is directed by Dado Lumibao and is written by Akeem del Rosario . “MMK” is led by business unit head Roda C. dela Cerna.
Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday night on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com