Ang kamandag ng paghihiganti ang magtutulak kina Ana (Julia Montes) at Samantha (Shaina Magdayao) upang pabagsakin ang isa’t-isa sa mas umiinit nilang pagtutuos sa Kapamilya haponserye na “Asintado.”
Nag-iinit na sa galit si Samantha at hindi na napigilang sugurin at ipagtabuyan ang karibal na si Ana matapos niyang mahuli itong kayakap at nakikipagmabutihan sa asawa niyang si Gael (Paulo Avelino). Nangyari ito matapos ang isang gabing pagsasama nina Ana at Gael, na parehong nagpabalik sa nararamdaman nila para sa isa’t-isa.
Ngunit agad ding tinamaan ng karma si Samantha dahil hindi inaasahang nabunggo ang sinasakyan niyang kotse, na naglagay sa buhay niya at sa batang kanyang dinadala sa peligro. Sa kabila ng kanilang away, tinulungan pa rin siya ni Ana upang madala sa ospital at masiguro ang kanyang kalagayan.
Pero hindi ito rason para mawala ang galit ni Samantha dahil ang karibal niya ang patuloy niyang sinisisi sa aksidente, at pinadalhan pa ng regalong naglalaman ng ahas upang panakot kay Ana sa pang-aagaw niya kay Gael.
Samantala, patuloy namang mababawasan ng kakampi si Samantha dahil aanib na rin kay Ana ang kanyang inang si Hillary (Agot Isidro), na gaya ni Gael, ay makikipagtulungan upang isiwalat ang lahat ng katiwalian ni Salvador (Nonie Buencamino) sa publiko.
Sino nga kaya ang pipiliin ni Gael kina Ana at Samantha?
Panoorin ang maaaksyong kaganapan sa “Asintado” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
Julia, Shaina unleash their wrath in “Asintado”
Afternoon viewing is set to get bolder and fiercer as Ana (Julia Montes) and Samantha (Shaina Magdayao) unleash their wrath against each other head-on for the sake of love and revenge in the Kapamilya afternoon series “Asintado.”
Samantha brutally confronted Ana after she witnessed her and her husband Gael (Paulo Avelino) being intimate with each other, which led to a foul brawl between the two women. This happened after former lovers Ana and Gael spent a night together.
But karma instantly hit Samantha after she got involved in a vehicular accident, putting her life and the baby she is carrying in danger. Despite their rift, Ana still came to her rescue and rushed her to a hospital to ensure her safety.
However, this is not a reason for Samantha’s anger to mellow down as she blamed her rival for the accident, and even sent her a snake disguised as a gift to threaten her.
Meanwhile, aside from losing her husband, Samantha’s mother Hillary (Agot Isidro) will also go against her and will side with Ana to finally expose Salvador (Nonie Buencamino)’s corrupt activities, which will further infuriate Samantha’s anger towards Ana.
Who between Ana and Samantha will win Gael’s heart in the end?
Don’t miss the action-packed scenes in “Asintado” on Kapamilya Gold on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.