Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Siyam na kontesero at kontesera, pagsasabungin sa “Tawag ng Tanghalan” semifinals

$
0
0

Salpukan ng mga beterano sa singing contests na pinatatag ng tagumpay, kabiguan, at kani-kanilang pangarap para sa pamilya ang masasaksihan sa huling semifinals ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” na nagpapatuloy ngayong linggo (Mayo 14 hanggang 19).

Isang taga-Metro Manila, tatlo mula Luzon, tatlo rin mula Visayas, at dalawa mula Mindanao ang ibabandera ang kanilang pangmalakasang boses sa bakbakan para sa dalawang pwesto sa grand finals.

Sintatag ng kanilang boses ang determinasyon nina Arabelle dela Cruz ng Calamba, Laguna at Adelene Rabulan ng Calumpit, Bulacan – ang ilan sa mga pinakabata sa kumpetisyon – na ilang beses nang nabigo sa singing contests ngunit puno pa rin ng pag-asa na mapagtagumpayan ang bawat laban.

Pareho namang nasa kolehiyo sina Aljun Alborme ng Kidapawan, South Cotabato at JM Bales ng Iloilo na tinatanaw na susi sa tagumpay ang pagsabak sa “Tawag ng Tanghalan” upang matulungan ang kanilang mga magulang – si Aljun para sa magsasakang ama, at si JM para sa bumberong tatay at tinderang ina.

Kumpetisyon din ang humubog kay Reggie Tortugo ng Ormoc, Leyte na bata pa lang ay beterano na sa singing contests upang gamitin ang premyo para matulungan ang pamilya. At kahit naman nasungkit na ni Christian Neil Bahaya ng Davao ang gintong medalyon sa World Championship of Performing Arts, susubukin niyang sungkitin ang golden mikropono sa sariling bansa laban ang pinakamagagagaling na Pinoy singers.

Para naman sa dalawang anak, nagtatrabaho bilang voice coach sa China si Douglas Dagal ng Dagupan, Pangasinan, matapos ang ilan ding pakikipagsapalaran sa singing contests at kabiguang matapos ang kurso sa musika noong kolehiyo.

Trahedya naman ang nag-udyok kay Arbie Baula ng Paranaque na nais pasiyahin ang na-stroke niyang ama sa paglaban sa “Tawag ng Tanghalan,” at ang pamilya na dalawang beses nang nasunugan nang bahay.

Sa pamamagitan ng patimpalak, babalikan ni Janine Berdin ng Cebu ang isa niya pang maituturing na passion – ang musika – matapos mabigo sa mundo ng pag-arte at paglabas sa ilang Kapamilya teleserye.

Gaya ng ibang semifinals, idedeklara ang contenders na makakapasok sa grand finals mula sa combined scores ng mga hurado at boto ng madlang people.

Muli rin silang huhusgahan base sa kanilang sa pag-awit nila ng kanilang audition songs, awiting panlaban o fight song, awit para sa pamilya, awit ng kanilang musical influence, hurado’s choice, at awit ng kanilang buhay.

Sino nga kaya sa kanila ang magkakaroon ng pagkakataong maiuwi ang titulo bilang grand champion ng “TNT” Year 2?

Samantala, maaari ring mapanood online ang labanan sa Showtime.abs-cbn.com/Livestream.

Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

 

“Tawag ng Tanghalan” quarter 4 semifinals pits nine singing contest veterans against each other

“Tawag ng Tanghalan” will see nine singing competition veterans from all over the country fight tooth and nail to get the golden microphone as the Quarter 4 semifinals continues this week (May 14 to 19).

A singer from Metro Manila, three from Luzon, three from Visayas, and two from Mindanao will make sure their voices stand out to get one of the two slots in the grand finals.

Teenagers Arabelle dela Cruz of Calamba, Laguna and Adelene Rabulan of Calumpit, Bulacan may be the youngest in the competition, but having faced defeat several times in the past, their optimism and confidence continue to make them dream.

College students Aljun Alborme of Kidapawan, South Cotabato and JM Bales of Iloilo, meanwhile, both consider “Tawag ng Tanghalan” a ticket to success in order to help their parents. Aljun’s father is a rubber farmer, while JM’s parents are a fireman and a market vendor.

Competing is what also shaped Reggie Tortugo of Ormoc, Leyte who at a young age had to join singing contests in order to win cash prizes and support his family. Christian Neil Bahaya of Davao, had snagged a gold medal in the World Championship of Performing Arts, but this time, he will attempt to win the golden microphone and beat the best singers in his own country.

After years of working as a voice coach in China to give his family a better life, Douglas Dagal of Dagupan is determined to win the competition so he can finally be with them and properly save up for their future.

Tragedy and strength are the primary motivators of Arbie Baula of Paranaque, who joined “Tawag ng Tanghalan” to make his father and singing mentor – a stroke victim – happy. She also continues to fight for her family, who has had to endure a house fire twice.

Through “Tawag ng Tanghalan,” Janine Berdin of Cebu hopes to successfully return to her other passions – music and singing – after failing to make a crack in showbiz and appearing in various Kapamilya teleseryes.

Like the previous semifinals, the judges’ scores and the madlang people’s votes will determine the contenders that will make it to the grand finals.

They will be judged based on how they perform their audition song, fight song, song for their families, song of their musical influence, the judges’ choice, and song about their life.

Who among the semifinalists will make it to the grand finals?

Meanwhile, netizens may watch the semifinals live on Showtime.abs-cbn.com/Livestream.

Don’t miss the fun and good vibes in “It’s Showtime,” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images