Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Misis, palihim na pinapalaglag ng mister ang anak sa sinapupunan sa “Ipaglaban Mo”

$
0
0

Tatalakayin ngayong Sabado (Marso 17) sa hit legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo” ang kaso ng isang buntis na walang malay na pinapainom pala ng kanyang asawa ng pampalaglag dahil na rin sa utos ng kaibigang albularyo.

Maselan man ang pagbubuntis ni Pam (Desiree), tinitiis niya ito lalo pa at natupad na ang matagal niyang hiling—ang magkaroon ng anak na babae. Masaya man sa panibagong blessing, lubos namang nababahala ang kanyang asawang si Elmer (Patrick) sa kanyang kalagayan.

Kaya naman dumulog ang lalaki sa kaibigan nitong albularyo na si Jaime (Ron Morales) para alamin ang iniinda ng asawa. Sa pagsusuri ng albularyo, isa raw demonyo ang anak nina Pam at Elmer. Hindi nagtagal ay nakumbinse ni Jaime si Elmer na dahan-dahang patayin ang bata na hindi pinapaalam sa asawa.

Ano kaya ang ginawa ni Pam nang malamang kasabwat ni Jaime si Elmer sa pagpatay sa anak? Nakamit kaya niya ang hustisya para sa namatay niyang anak? Nagkabati pa rin kaya silang mag-asawa?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Paniniwala” sa ilalim ng direksyon ni Cathy Camarillo ngayong Sabado (Marso 17), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

 

Faith healer says child is the daughter of the devil…

HUSBAND FORCES WIFE TO ABORT HER BABY IN “IPAGLABAN MO”

“Ipaglaban Mo” tackles the case of a woman who had a miscarriage after her own husband secretly gave her abortion medicines this Saturday (March 17).

Despite going through a difficult pregnancy, Pam (Desiree Del Valle) was happy to carry her baby because of a longtime dream to finally have a daughter. However, her husband, Elmer (Patrick Garcia) thought otherwise, since he found it really hard to see her in pain.

So he consulted his friend Jaime (Ron Morales), a faith healer. Jaime assessed Pam’s case and concluded that Pam was carrying the daughter of the devil. Elmer then decided to kill the unborn child by giving Pam abortion medicines or ‘pampalaglag.’

How did Pam react after her seeing her dead daughter? Did she find justice for her daughter’s death?

Don’t miss the “Paniniwala” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Cathy Camarillo, this Saturday (March 17) after “It’s Showtime” on ABS-CBN with a replay every Wednesday on DZMM TeleRadyo and DZMM Radyo Patrol 630.

For more updates, follow @IpaglabanMoCh2 on Twitter, @ipaglabanmoABSCBN on Instagram, or like www.facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images