Quantcast
Channel: Entertainment – abscbnpr.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Sylvia, kumpirmadong inosente sa “Hanggang Saan”

$
0
0

Malaking tinik ang naalis sa dibdib ni Sonya (Sylvia Sanchez) dahil isang ebidensya muli ang lumutang na nagpapatunay na inosente siya sa pagpatay kay Edward Lamoste (Eric Quizon) sa “Hanggang Saan.”

Tuloy-tuloy nga ang pag-ayon ng kapalaran kay Sonya dahil pagkatapos mahanap ang baril ng hired killer na pumatay kay Edward, natagpuan naman ang bala na ipinutok mismo ni Sonya sa isang imahen ng Birheng Maria, patunay na hindi niya tinamaan si Edward at wala siyang kasalanan sa pagkamatay nito.

Ngunit may kalakip na pagdadalamhati ang pag-usad ng kanyang kaso sa pagkamatay naman ni Georgette (Maxine Medina) matapos siyang tambangan ng mga tauhan ni Jacob (Ariel Rivera) sa pag-aakalang siya ang may dala ng ginamit na baril na kumitil kay Edward.

Magiging dahilan naman ito para mas maging determinado pa si Paco (Arjo Atayde) na ipaglaban ang hustisya hindi lang para sa ina, pati na rin sa yumaong nobya upang pagbayaran ni Jacob ang lahat ng kanyang kasamaan.

Makamit pa nga kaya nila ang katarungang kanilang inaasam?

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa “Hanggang Saan,” tuwing hapon pagkatapos ng “Asintado” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable 167). Para sa updates, mag-log on lang sa fb.com/hanggangsaan at i-follow ang @hanggangsaantv sa Twitter at @hanggangsaan sa Instagram.

Maxine crossed out on Ariel’s hit list…
SYLVIA LEARNS SHE IS INNOCENT IN “HANGGANG SAAN”

Justice has finally caught up with Sonya (Sylvia Sanchez) after she found another piece of evidence that confirms she did not kill Edward Lamoste (Eric Quizon) in “Hanggang Saan.”

After the gun that killed Edward has been found, she then discovered that the bullet she fired the night Edward died did not hit the man after all, but instead went straight into an image of the Virgin Mary — a solid proof that she is innocent.

But her newfound hope comes with a price as Georgette (Maxine Medina) died after an encounter with Jacob’s (Ariel Rivera) men, who tried to stop her from bringing the gun that killed Edward to the crime lab and halt the investigation.

With this tragedy, Paco (Arjo Atayde) is more determined to fight for justice not only for his mother, but also for his late girlfriend to make Jacob pay for all his sins.

Will they be able to get the justice they deserve?

Don’t miss the story that will show up to what extent a mother can sacrifice for her son, “Hanggang Saan,” after “Asintado” on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, log on to fb.com/hanggangsaan and follow @hanggangsaantv on Twitter and @hanggangsaan on Instagram.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1673

Latest Images

Trending Articles



Latest Images