A young man learns how to forgive an abusive stepfather despite all the pain he caused in another tear-jerking episode of “MMK” this Saturday (Nov 7).
Rommel, to be played by Urian best supporting actor Junjun Quintana, is constantly beaten up and verbally abused by his stepfather Rogelio (Ian De Leon) because of his homosexuality. Growing up, he feels unwanted and hated at home. Not even his own mother Leoner (Mickey Ferriols) defend him from the awful treatment from his supposed father figure.
At age eleven, Rommel runs away from home and lives in the streets where he felt some sense of belongingness. That is until he becomes a victim of a syndicate that prostitutes children like him to Arab men. Luckily, he is able to escape and goes back home.
Things have not changed, however. He still feels unloved by Rogelio and Leoneor. Rommel then decides to work hard to make something for himself.
With his newfound strength and success in life, can he also find it in his heart to forgive his mother and stepfather?
Joining this “MMK” episode are John Vincent Servilla, Izzy Canillo, Cheska Billiones, Shekanaiah Gamit, Joshua Dionisio, Michelle Vito, and Gem Ramos. The episode is directed by Nick Olanka and written by Jaymar Castro. “MMK” is led by business unit head Malou Santos.
Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday on ABS-CBN. For more updates, log on to MMK.abs-cbn.com, follow @MMKOfficial on Twitter, and “like” Facebook.com/MMKOfficial. Tweet your thoughts about this Saturday’s episode by using the hashtag #MMKSuccess.
Meanwhile, viewers may also catch up on full episodes and past episodes of “MMK” through ABS-CBNmobile. For moreinformation, please go to www.abscbnmobile.com.
-30-
BINATANG INABUSO NG AMAIN, HAHANAPIN ANG KAPATAWARAN SA “MMK”
Mahanap kaya ng isang binata ang kapatawaran sa amang kailanman ay hindi ipinaramdam sa kanya ang pagmamahal?
Iyan ang sasagutin ng kwento ni Rommel na gagampanan ng Gawad Urian best supporting actor na si Junjun Quintana ngayong Sabado (Nov 7) sa isa na namang nakakaantig na tampok sa “MMK.”
Lumaking binubugbog si Rommel ng amaing si Rogelio (Ian De Leon) dahil hindi nito matanggap ang kanyang sekswalidad bilang isang bading. Sa lahat ng pang-aabuso na ito ay hindi nagawa ng inang si Leonor (Mickey Ferriols) na ipagtanggol ang anak.
Kaya naman sa edad na labing-isa ay naglayas si Rommel at nagpalaboy laboy sa kalsada. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nahanap niya ang kalayaan at pagtanggap inaasam sa labas ng tahanan.
Hanggang sa isang araw ay naging biktima siya ng sindikatong nambubugaw ng mga binatilyong tulad niya sa mga arabong lalaki. Sa kabutihang palad ay nakatakas siya at muling bumalik sa tahanan.
Ngunit, walang nagbago sa kanyang iniwan. Ganoon pa rin ang magulang kaya naman nagsikap siya na gumanda ang buhay. Sa kanyang paglaki at pagiging matagumpay, magawa niya kayang mapatawad ang ina at amaing malaki ang pagkukulang sa kanya?
Kasama rin sa upcoming episode sina John Vincent Servilla, Izzy Canillo, Cheska Billiones, Shekanaiah Gamit, Joshua Dionisio, Michelle Vito, at Gem Ramos. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka at panulat ni Jaymar Castro. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKSuccess.
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
-30-









